Home / News / Read News
Feeding Program @ Barangay Iba O Este
2015-05-25 03:03:45
events

 

Nutrisyon ng Kabataan, Prayoridad ng Pamahalaang Bayan...
Busog-lusog ang maihahalintulad sa pagkaing inihain sa mga bata sa Barangay Iba O Este. Masarap at mainit na lugaw na may kasamang itlog at pandesal ang bumusog sa mga bata maging sa kasama nilang guardians. Ang nagpa ngiti ng husto sa mga bata ay ng personal silang bigyan ng tumbler ni kuya Mayor Jess na magagamit na lalagyan ng inumin.
Bago tuluyang magtapos ang feeding program ay ipinagkaloob naman sa Barangay Council, Mother Leader, Barangay Health Worker, LLN, Tanod para sa kapakinabangan ng kanyang mamamayan ang mga sumusunod: mountain bikes, probaton (batuta); nebulizer at BP apparatus; at para naman sa Daycare Center ay drawer at chairs.