Home / News / Read News
Commendation to 12 PNP Calumpit Personnel 2015
2015-11-03 07:30:30
events

Commendation to 12 PNP Calumpit Personnel 2015

Pinagkalooban ni Mayor Jess, ngayong Lunes ang 12 PNP Personnel ng commendation dahil sa kanilang mahalagang tungkulin at matagumpay na pagpapatupad ng R.A. 9165 (An Act Instituting the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Naging mabisang paraan para maabot ang layuning ito at pagkilala dahil sa matagumpay na Police Visibility 24/7, pag-agapay ng force multipliers tulad ng Task Force Bahaghari, Traffic Enforcers at mga Tanod ng 29 Barangay. Ilan sa mga tampok na operation ng PNP ay ang Oplan Lambat-Sibat (Check point), Oplan Katok (Firearms Inspection).
Hindi rin mapapasubalian ang kahalagahan ng pagpapatayo ng Community Police Assistance Center COMPAC 3 at ang paglulunsad noong Agosto 2014 ng "Oplan Protect Calumpit" na may layuning paigtingin ang seguridad ng ating bayan at mamamayan laban sa banta ng Drogra at iba pang masasamang elementong makapipinsala sa ating katiwasayan.