Home / News / Read News
Pagtatalaga at Panunumpa sa Tungkulin ng BOY/GIRL OFFICIALS 2014
2014-12-18 12:03:22
events

Lubos ang pagpapahalaga ng Pamahalaang Bayan sa sektor ng kabataan. Patunay nito, kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Youth, Sports, Employment, Arts, Culture and Tourism Office (PYSEACTO) noong Setyembre 30, ang hindi matatawarang suporta/programa ng ating butihing Mayor Jessie P. De Jesus ng tanggapin niya ang karangalan bilang Most Supportive Mayor dahil sa pagsusulong ng kapakanan ng 4-sub sector of youth, maging Out-of-School Youth, In-school- Youth, Working Youth at Youth with Special Needs.
Kaya naman, alinsunod sa Presidential Proclamation No. 99 s. 1992, at Chapter 10 Section 439 ng Local Government Code of 1991, na nagtatakda sa pagdiriwang ng “Linggo ng Kabataan” tuwing buwan ng Disyembre, ang ating Lalawigan, kasama ang mga lungsod/bayan at barangay ay magsasagawa ng “BOY/GIRL OFFICIAL 2014” na tapat na maglilingkod sa ating pamahalaan simula ngayong araw, Disyembre 1-5, 2014.
Matagumpay po na naisagawa ang Pangkalahatang Halalan noong Disyembre 18, sa Bahaghari Hall. Kaya naman malugod at magalang na naipakilala ang mga Pinunong Lalaki at Babae sa Municipal Flag Ceremony.