Home / News / Read News
4th Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED)
2014-12-18 12:08:45
events

Lubos ang pasasalamat ng pamunuan ng Colegio de Calumpit sa kagandahang loob na inihandog ng Pamahalaang Bayan ng Calumpit sa pangunguna ni Mayor Jessie P. De Jesus, dahil ang kanilang paaralan na may humigit kumulang sa 1,700 mag-aaral ang napiling lugar para isagawa ang naturang drill. Inihayag ito ni Gng. Yolanda T. Cruz, Punong Guro at gumanap ring Chairman ng School Disaster Management Committee. "Ang dami naming natutunan sa pagkakataong ito, mula ng dry run pa lang. Nakita namin ang pakikiisa ng mag-aaral, mga guro at maging non-academic personnel. Malaking bagay po ang ibinahagi ninyong post evaluation, magyari pong iparating ang aming taus-pusong pasasalamat sa ngalan ng Colegio De Calumpit Board of Trustees".... Makikita sa larawan ang ibat-ibang senaryo at mga tumuwang na Tanggapang Nasyonal at Lokal, volunteer groups at iba pang nagmamalasakit para sa ikaaayos ng nabanggit na NSED.