Home / News / Read News
Boundary Marker, Isa ng Katuparan.
2016-02-04 07:33:54
news

Dahil sa mabuting ugnayan at pagtutulungan ng Pamahalaang Bayan at Holcim Philippines, isa ng ganap na katuparan ngayon ang Boundary Marker na matatagpuan sa Pio Cruzcosa, Calumpit, Bulacan ito ay magsisilbing pagkakakilanlan ng hangganan ng bayan ng Calumpit at ng Lungsod ng Malolos.


Kaloob ng Holcim Philippines ang mga materyales na ginamit sa pagpapatayo ng Marker samantalang ang Labor Cost ay sa Pamahalaang Bayan naman ng Calumpit.
Pinasinayaan at binasbasan noong ika-1 ng Pebrero 2016.


Ito ay isa na namang matibay na imprasturang naipatayo sa matapat na pamumuno at magandang ugnayan ng Pamahalaang Bayan at ng isang Stakeholder.
Makikita sa larawan na personal na iniabot ni Mayor Jessie P. De Jesus ang Plake ng Pasasalamat sa pamunuan ng Holcim Philippines sa pangunguna nina Rosendo Ravina Jr., Plant Manager; Marce Reesa Rubiano, Corporate Service Relation at Rodrigo Rosas, Operations Head.